SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

...si Bro ang lagi kong kasama...

2 posters

Go down

...si Bro ang lagi kong kasama... Empty ...si Bro ang lagi kong kasama...

Post by mikEL Thu Jun 25, 2009 11:43 pm

SI BRO ANG LAGI KONG KASAMA


Isang gabi na maliwanag ang buwan kaygandang pagmasdan ng kapaligiran. Maraming bituing marikit ang maningning sa kalangitan kung kaya kaaya-aya itong pakatitigan.Dahil sa hindi pa ako inaantok nagpasya akong maglakad-lakad upang mag muni-muni at mamasyal.

Hindi pa ako nakakalayo sa aking tirahan ng may kotseng pula ang huminto sa tapat ng aking daraanan.Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy ako sa aking paglalakad, nang papalapit na ako sa kotse bumaba ang isang lalaki at sinalubong ako. Sa pag-aakalang magtatanong lang yumuko ako upang magbigay galang. Isang malakas na hampas sa likod ang aking natanggap kung kayat tumumba ako sa aking kinatatayuan.
Pakaladkad akong hinatak ng lalaki at sapilitang isinakay sa kotse.Nanlaban ako ngunit wala akong nagawa dahil sa hampas sa likod na aking natanggap. Pagkasara ng kotse mabilis itong pinaharurot ng drayber,noon ko napansin na tatlo pala silang magkakasama.

Takot at pangamba ang tangi kong nararamdaman...gusto kong sumigaw subalit may baril na nakatutok sa ulo ko kung kaya nagpasya ako na tumahimik na lang.Hindi ko nakikita ang labas pero alam kong malayo na kami sa aming pinanggalingan dahil kanina pa kami nasa byahe.

Sa isang malaki at lumang bahay nila ako dinala sa isang malayo at liblib na lugar.Pinababa nila ako ng kotse at sapilitang pinapasok sa loob ng bahay.Napansin ko na may isang lalaki din ang nakatali at puro pasa at sugat ang katawan.Naisip ko kung gaano kahirap ang dinanas ng lalaking iyon kaya natakot ako.Ganito rin ba ang mangyayari sa akin?...pero, bakit?...ano ang aking kasalanan?...Magtatanong pa sana ako pero hindi ko na ito natapos dahil isang malakas na suntok sa aking mukha ang aking nakamtan.Matapos ang suntok may sumipa sa aking likuran kung kaya ako ay muling bumagsak sa aking kinatatayuan. suntok dito...tadyak doon...hampas dito hampas doon.Halos mawalan na ako ng ulirat sa hirap na aking dinaranas,pilit ko pa ring iniisip kung ano ba ang aking kasalanan.Gustuhin ko man ang lumaban alam kong lalo lang akong mahihirapan kung kayat tinanggap ko na lang lahat na suntok at sipa na kanilang pinakakawalan.Nagsawa rin sila sa pagpapahirap sa akin kung kayat sila ay tumigil,itinali nila ako at itinabi doon sa lalaki na nakatali na nadatnan namin kanina.
Napatingin ako sa lalaki at laking gulat ko sa aking nakita,hindi ako maaring magkamali mukha ni "Bro" ang aking nakikita.Magsasalita pa sana ako ngunit naunahan ako ni "Bro" wag kang mag alala hindi kita pababayaan.Manalig ka lang at ibibigay ko sa iyo ang kaligtasan.Napaiyak ako at nagpasalamat sa Kanya sinabi kong salamat po at ikaw ay aking kasama...

Lumapit sa amin ang isang lalaki kinaladkad ako at itinulak sa hagdanan...
Nahulog ako sa aking..........kama, kung kaya ako ay nagising, salamat panaginip lang pala ang lahat...
Lumuhod ako at nanalangin,

"Bro salamat at kahit sa aking panaginip ikaw ang aking kasama.Alam kong marami pa po akong hirap na daranasin ngunit hindi ako natatakot sapagkat Ikaw ay nariyan.Anuman po ang dumating na problema alam kong ito ay aking makakaya dahil alam ko Bro na ikaw ay lagi kong kasama...."
mikEL
mikEL
Primero Baranggay Councilor
Primero Baranggay Councilor

Number of posts : 356
Cellphone no. : 01051787412
Reputation : 0
Points : 115
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

...si Bro ang lagi kong kasama... Empty Re: ...si Bro ang lagi kong kasama...

Post by amie sison Sat Jul 04, 2009 2:25 am

wow! dami mo na essay...keep going!
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum