ITO NA ANG KINAKATAKUTAN KO!!!
+2
shaider
nherzkie_0921
6 posters
SULYAPINOY Online Forum :: Filipino EPS Workers Association (FEWA) Corner :: Online Crusade Against NPS-SSS Treaty
Page 1 of 1
ITO NA ANG KINAKATAKUTAN KO!!!
KURUTIN, SABUNUTAN SI NERI | |
Nina Rey Marfil, Boyet Jadulco, Rose Miranda at Noel Abuel | |
Hinimok kahapon ng Senado ang may 27 mil­yong miyembro ng Social Security System (SSS) na sabunutan at kurutin si SSS Chief Executive Officer (CEO) at president Romulo Neri para matauhan ang opisyal sa pagda-divert nito ng P12.5 bilyong pension fund para sinasabing stimulus fund ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa nararanasang financial crisis sa bansa. Ayon kay Senador Francis ‘Chiz’ Escudero III, dapat na mag-rally ang mga miyembro ng SSS sa harapan ng opisina ni Neri at sabunutan ang opisyal para matauhan sa pagda-divert ng nasabing pension fund sa economic stimulus fund ng gobyerno. Binigyang-diin ni Escudero, chairman ng Senate committee on justice and human rights, kailangang kumilos ang mga miyembro ng SSS para matauhan si Neri dahil nanumbalik aniya ang pinausong ‘Sec may 200 ka dito’ sa $329 milyong national broadband scandal kung saan tumahimik ang opisyal nang maimbestigahan ang nangyaring suhulan. Maging si Senate minority floor leader Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr., chairman ng PDP-Laban, ay idinaan naman sa salitang Bisaya ang pag-atake kay Neri, patungkol sa senar­yong “pasabunutan” sa SSS members ang opisyal. Pinayuhan ni Pimentel ang mga SSS members na magpiket sa harapan ng tanggapan ni Neri para matauhan sa kabulastugang pinaggagawa nito. Neri pinakakasuhan “Sa Bisaya, ‘ipakusi nato si Neri para magiging matino’ (Ipakurot natin si Neri para matauhan),” ani Pimentel. Inabisuhan din ni Pimentel ang mga SSS members na huwag pumayag sa kagustuhan ni Neri dahil hindi malayong maglaho ang nasabing pondo, kung sa gobyerno lamang ito mapupunta para magamit sa sinasabing stimulus package. “Hindi pupuwedeng gamitin ang pera nila kung saan-saan lang na hindi man lamang sila nakokonsulta. Pera nila ‘yun at hindi tama ‘yun,” pagdidiin ng senador. “Kung ganun ang sistema, hindi natin malaman kung saan talaga pupunta ‘yung pera sapagkat sinasabi lamang na para sa economic stimulus, wala namang sinasabi kung saan, sino ang makinabang doon kaya hindi tama ‘yun, dapat supalpalin ng miyembro ng SSS,” dagdag pa nito. Pinayuhan pa ng senador ang mga miyembro ng SSS na maghain ng kaso laban kay Neri upang mapigilan ang pagpapalabas ng nasabing pondo na posibleng mapunta lamang kung kaninong bulsa, imbes na sa magandang investment upang lumago ang perang ito. “Dapat sampahan ng kasong criminal, civil o kung ano pang mga kaso para mapigilan siya,” wika ni Pimentel. Duda sa stimulus fund Hiniling naman ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa kinauukulang komite ng Senado na imbestigahan ang paggamit ni Neri sa pondo ng SSS para magamit sa stimulus package ni Pangulong Arroyo. Duda si Pangilinan kung talagang gagamitin na panlaban sa global financial crisis ang pondong ito, lalo pa’t nalalapit na ang pampanguluhang halalan sa taong 2010. Pondo tiniyak Samantala, mariing tiniyak ni Neri na hindi maaapektuhan ang pondo ng milyun-milyong mi­yembro ng ahensya sa balak na paglalagak ng pondo para sa economic stimulus plan ng gobyerno. Ipinaliwanag ni Neri na nasa P230 bilyon ang kabuuang pondo ng SSS kung kaya’t makakaasa umano ang publiko na hindi ito magagalaw. Nabatid na nasa P50 bilyon ang kinikita mula sa kontribusyon ng mga miyembro, habang nasa P48 bilyon naman ang ipinamamahagi nito kaya may kita pa ang ahensya na dalawang bilyong piso. Nilinaw ni Neri na ila­lagak nila ang nasabing pondo bilang investment sa gobyerno, partikular sa infrastructure projects at hindi bilang ‘appropriation’ kaya kikita pa rito ang SSS sa interes na walo hanggang sampung porsiyento. Palasyo problemado Kaugnay nito, aminado si Press Secretary Jesus Dureza na problemado pa ngayon ang Malacañang kung paano makukuha ang suporta ng private sector sa P330 million economic stimulus fund kung saan ang bahagi nito ay ang pondo ng SSS. Isa umano ito sa aspeto na pinag-aaralan nga­yon ng economic team ng gabinete dahil kailangan umano na magustuhan ng pribadong sektor ang mga proyektong ilalatag na sa umpisa ay hindi umano magiging “financially via­ble” ngunit inaasahan na malaki ang maitutulong sa ekonomiya at sa mga sektor na tatamaan ng napipintong economic crisis sa bansa. Nauna rito, ibinunyag ni Lacson ang senaryong gagamitin sa 2010 presidential elections ni Pa­ngulong Arroyo ang P12.5 bilyong pension fund ng mga miyembro SSS. ABANTE NEWS (JANUARY 29,2009) ***ITO NA PO ANG KINAKATAKUTAN KO... KAYA SIGURO INILUNSAD NG GOBYERNO NG PILIPINAS ANG NPS-SSS AGREEMENT DAHIL DITO.... SANA NAMAN IPAWALANG BISA NG SENADO ANG NASABING KASUNDUAN... |
nherzkie_0921- Mamamayan
- Number of posts : 10
Age : 40
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 30/06/2008
Re: ITO NA ANG KINAKATAKUTAN KO!!!
tama ka jan kabayang nherzkie,,,pero tingin ko di pa napapansin ng senate yung agreement na ito,,maybe dis is d rte time n mag ingay na ang mga eps d2 sa korea,,yung mga magbabakasyun jan ,,baka pede nman mag volunteer na hingi ng copy ng petition letter den,,makipag coordinate n lng sa migrante national..palagay ko cla makakatulong sa atin,,,
shaider- Masipag na Mamamayan
- Number of posts : 25
Reputation : 0
Points : 27
Registration date : 13/12/2008
Re: ITO NA ANG KINAKATAKUTAN KO!!!
Migrante?? wag naman , patay tayo dyan wala pang pinanalong kaso yan, ang tagal ko sa dakong kaliwa, isa yan sa mga daliri ng kaliwa, katulad ng mayo1 , gabriela at marami pang iba na nagsangay sangay para di makilala. matagal ng palabigasan ng presidente ang SSS AT gsis DI NA PO BAGO YAN.ANO ANG MAGAGAWA NATIN YAN ANG MALAKING TANONG? KAYA BA NATIN BANGGAIN ANG INSTITUTION NG CORRUPTION SA ATING BANSA. WAAAAAAAAAA.
ayokosayo- Mamamayan
- Number of posts : 19
Age : 55
Location : seoul
Reputation : 0
Points : 32
Registration date : 27/08/2009
Re: ITO NA ANG KINAKATAKUTAN KO!!!
mga leche cla at tamaan cla ng kidlat nyahahaha,kandahirap nga ako makuha yun kookmin ko sa amo dhil cla mismo ninakaw pera nmin tpos kandahirap kmi makuha yun sa knla den kung ku2nin nla satin mga pera ganun2 nlng tau nagpapakahirap cla nagpapasarap haayyy buhay tlga ng pinoy...kelan kya pagbabago sa ating bansa???
enaj- Baranggay Captain 1st Term
- Number of posts : 429
Location : south korea
Reputation : 9
Points : 741
Registration date : 21/03/2009
Re: ITO NA ANG KINAKATAKUTAN KO!!!
enaj wrote:mga leche cla at tamaan cla ng kidlat nyahahaha,kandahirap nga ako makuha yun kookmin ko sa amo dhil cla mismo ninakaw pera nmin tpos kandahirap kmi makuha yun sa knla den kung ku2nin nla satin mga pera ganun2 nlng tau nagpapakahirap cla nagpapasarap haayyy buhay tlga ng pinoy...kelan kya pagbabago sa ating bansa???
Kabayan,
YOU ARE ENTITLED TO YOUR OWN OPINION
HALA BIRA.............
lumad- VIP
- Number of posts : 139
Reputation : 3
Points : 446
Registration date : 15/07/2009
Re: ITO NA ANG KINAKATAKUTAN KO!!!
gud pm sir reeve...xenxa na po ha sa ngamit ko words sa knla hahahaha ndla lng ng galit cguro kz hanggang ngaun kz nde ko pa naaayos un sa kookmin ko ,un pumasok na pera ko kz sa nps is 700,000 lng na dpat sna 2,700,000 so pag uwi ko 700 lng (tnt na kz aq hehehe) maku2ha ko dun kya hanggang ngaun po hinahabol ko pa yun kulang amo ko sakin kz pera ko din nmn yun ninakaw nla sakin mas mabuti pa nde nlng cla nagkaltas kung un pera pla nmin mismo nde nla ihu2log.....sa mnday lalapit ulit me sa migrants po pra mkuha ko yun kulang nla sakin,mga tinamaan cla ng....kimchiiiiii nyahahaha!!!!slamat po pla dun sa isang post sir reeve sna ma spread na nla po yun sa lahat ng branches nla>>>god bless po!!!!
enaj- Baranggay Captain 1st Term
- Number of posts : 429
Location : south korea
Reputation : 9
Points : 741
Registration date : 21/03/2009
Re: ITO NA ANG KINAKATAKUTAN KO!!!
kabayan enaj naiintindihan ka namin sa mga words na sinabi mo dahil alam namin na kung anong hirap ang dinadanas ng mga OFW na katulad mo. para lang kumita ng pera.kaya ipaglaban mo ang karapatan mo at sana manalo ka sa ipinaglalaban mo.Don't forget to pray.Good Luck kabayan.
candy- Seosaengnim
- Number of posts : 475
Reputation : 3
Points : 605
Registration date : 14/05/2009
Re: ITO NA ANG KINAKATAKUTAN KO!!!
enk u sis sa pang unawa newei mdami nmn tau nkakaranas ng mga gni2 bgay d2 sa korea and nagpapasalamat ako sa sulyap kz madmi ako napulot at nai share sa mga frenz ko d2 na nkatulong din po sa knla...slamat sa mga bumubuo ni2 at handang tumulong sa mga katulad nting naghirap at nki2paglaban sa ating mga krapatan....mabuhay taung lahat at sulyapinoy!!!!
enaj- Baranggay Captain 1st Term
- Number of posts : 429
Location : south korea
Reputation : 9
Points : 741
Registration date : 21/03/2009
SULYAPINOY Online Forum :: Filipino EPS Workers Association (FEWA) Corner :: Online Crusade Against NPS-SSS Treaty
Page 1 of 1
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum
Fri Sep 04, 2020 12:05 am by zack
» MAGTANONG KAY ATTORNEY....FREE LEGAL ADVICE AND ILLEGAL ADVICE
Thu Oct 27, 2016 9:44 pm by Melgir
» Komento ng mga nagtake ng exam ng cbt3.?
Sat Oct 22, 2016 10:39 am by tazmania
» Para po sa mga Voluntary Returnee na nag CBT 2016
Wed Jun 29, 2016 12:40 pm by alexanayasan
» Nagbabalik si UISHIRO
Mon May 02, 2016 1:28 pm by Uishiro
» SEVERANCE PAY PROBLEM
Sat Apr 16, 2016 12:44 am by johpad
» what are the procedures or steps after passing the eps klt exam?
Wed Apr 13, 2016 4:55 pm by khrelmps2
» 13th KLT PBT exam
Sat Apr 02, 2016 10:38 pm by ynnel_j84
» sa mga x korean
Tue Mar 29, 2016 8:28 pm by marlonmendoza
» Para sa mga sincere...
Sat Mar 26, 2016 7:37 am by davao_best
» medical ng sincere
Fri Mar 25, 2016 11:48 am by horusss
» ANG DATING DAAN MASS INDOCTRINATION
Thu Jan 28, 2016 10:30 pm by caloytundo
» HELLO TO EVERYONE
Thu Nov 12, 2015 12:46 pm by bassibass
» voluntary exit(dating TNT)
Sat Oct 17, 2015 10:00 pm by reynerdave
» _DAEGU_.....
Mon Oct 05, 2015 6:00 pm by rain09
» PBT CBT TEST RESULT
Mon Sep 28, 2015 2:06 pm by ynnel_j84
» List of Job Center in Seoul Area
Thu Sep 17, 2015 11:24 pm by neon_rq
» Guide flow para sa mga 1st timer na KLT Applicants.
Thu Sep 17, 2015 10:35 pm by neon_rq
» Mga mahalagang impormasyon para sa mga nais magtrabaho bilang Factory workers under EPS SYSTEM sa South Korea.
Thu Sep 17, 2015 10:33 pm by neon_rq
» Para sa mga Magbabakasyon sa Pilipinas
Thu Sep 17, 2015 10:29 pm by neon_rq
» musta na mga kasulyap specially batch 2010?
Mon Sep 07, 2015 8:34 pm by astroidabc
» RELEASED EPS workers
Fri Aug 28, 2015 2:39 pm by february
» reviewer para sa cbt 3
Mon Aug 10, 2015 8:05 pm by LOBE_MYGUIDE27
» looking for a job
Wed Jul 08, 2015 2:49 pm by lian_14
» E-7 GROUP!!!
Thu Jul 02, 2015 3:31 am by jjfoxtrat
» REMINERS TO ALL NEW TOPIK PASSERS
Thu Jul 02, 2015 3:23 am by jjfoxtrat
» List of 12th EPS-TOPIK Passers
Thu Jul 02, 2015 3:17 am by jjfoxtrat
» Ang pagbabalik
Thu Jul 02, 2015 3:07 am by jjfoxtrat
» MEMBERSHIP
Thu Jul 02, 2015 3:02 am by jjfoxtrat
» Magkano po ang pwedeng dalhin pag uwi?
Thu Jul 02, 2015 2:46 am by jjfoxtrat
» PAALALA PO SA MGA KA SULYAP>>>>>MUST READ!!!
Thu Jul 02, 2015 2:13 am by jjfoxtrat
» SULYAPINOY 1ST ANNIVERSARY VIDEO
Thu Jun 25, 2015 11:39 am by bhybz
» Korean, Japanes,Chinese Language Auditors (Data Analysts) hiring in Concur, Philippines
Tue Jun 09, 2015 10:09 pm by Tatum
» nice to be back after 2 years
Tue Jun 09, 2015 10:05 pm by Tatum
» Pahelp poNeed work ko po sa daimaru
Sat Jun 06, 2015 9:51 am by samuraix
» job for female
Wed May 20, 2015 6:59 pm by lian_14
» PARA SA MGA BABAE NA WALA PANG EPI AT NO DATA= DITO KAYO
Mon May 18, 2015 10:59 am by davao_best
» sa lahat ng babae na nagtatanong kung MAY PAG-ASA PA BA SILANG MASELECT EH EXPIRED NA VALIDITY NG EXAM
Sun May 17, 2015 6:23 pm by blez
» Sa mga nakaka-alam,pano po ang ginawa ninyo if na hold sa immigration at nblacklisted?
Wed Apr 22, 2015 6:40 pm by darwin_cillar@yahoo.com
» CCVI REJECTED/CANCELLED
Mon Apr 06, 2015 8:41 am by markjordan_888