SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" BRILYANTENG KAIBIGAN "

3 posters

Go down

" BRILYANTENG KAIBIGAN " Empty " BRILYANTENG KAIBIGAN "

Post by Joel Tavarro Fri Nov 07, 2008 8:45 pm

BRILYANTENG KAIBIGAN
Joel Y. Tavarro


Palaging sa iyo ang takbo kapag may hinagpis
Ang balikat mo ang yakap habang tumatangis
Kung ikaw ang kasama, dinaramdam ay naaalis
Hinahangaan at ipinagmamalaki kita ng labis.

Ang tunay na kaibigan ay mahirap matagpuan
Na maaasahang tunay at mapagkakatiwalaan
Sa mga problema't at pagkabalisa, sa tuwina'y nariyan
At handang dumamay sa oras ng pangangailangan.

Nakikinig kung may hinaing at silbing hingahan
Kaibigang nagpapalakas sa tuwing pinanghihinaan
Walang sawang nagtutuwid, kung mali'y pinaaalalahanan
Bagamat minsan ay dumarating na nagkakatampuhan.

Ito'y nangyayari, di maiwasan at natural lamang
Para magkaunawaan, bawat isa ay magkapalagayan
upang lumalim at bumuti ang samahang pangmatagalan
Ang paggalang na tunay ay dapat pahalagahan.

Kaibigan na karamay sa oras ng pighati at kasawian
Sa hirap man o ginhawa, umaalalay maging sa kalungkutan
Palaging kaagapay, maging sa kasayahan ay nariyan
Kasa-kasama lagi sa tuksuhan, biruan at kulitan.

Kaligayahan at kayamanan ka sa puso at isipan
Ang isang tulad mo'y mahirap matagpuan
Maging kaibigan ka ay isang malaking karangalan
Marapat na pakaingatan, tulad mo'y brilyanteng kaibigan.
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" BRILYANTENG KAIBIGAN " Empty Re: " BRILYANTENG KAIBIGAN "

Post by reeve Fri Nov 07, 2008 8:59 pm

Maraming salamat bro. Joel,

Enjoy your vacation sa Pinas
Sana makabalik kp dito kung hndi mag petition kami hehehe..

Meron ka pla brilyanteng kaibigan, mabuti nman bro. Joel. Wla b gintong kaibigan? hahaha..

Von voyage nlng bro sa pag uwi mo Pinas maraming brilyante duon hahaha God bless you
...
hanga
reeve
reeve
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 274
Age : 38
Location : Anyang City, South Korea
Reputation : 0
Points : 47
Registration date : 02/03/2008

Back to top Go down

" BRILYANTENG KAIBIGAN " Empty Re: " BRILYANTENG KAIBIGAN "

Post by amie sison Mon Nov 10, 2008 12:06 pm

isip nabasa ko itong title na ito sa caption ng picture natin sa friendster ni kuya jun...hehe!
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

" BRILYANTENG KAIBIGAN " Empty Re: " BRILYANTENG KAIBIGAN "

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum