SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

pagninilay

2 posters

Go down

pagninilay Empty pagninilay

Post by amie sison Thu Mar 06, 2008 3:29 pm

ANG AKING PANANAMPALATAYA


Simula na nagkaroon ako ng pananampalataya ay di ko na nakalimutan magdasal.Sampung taon ako nang nagsimula ako maglingkod sa kanya. Sa unang pagkakataon ay sinubukan ako ni Lord noong 1997 noong naghirap kami.Ang pangalaang pagkakataon ay yung nakapag asawa ako ng Koreano.At ang ibang pagsubok ay ang mga pagkakataon na may sakit ako. Ang paghirap namin at mga sandali na may sakit ako ay maituturing kong maayos naman dahil kasama ko ang aking pamilya habang nahihirapan ako.

Ang pinakamatinding problemang naranasan ko ay ang pagkakaroon ko ng asawang Koreano.Naging magulo ang buhay ko noon. Parang nag-iisa ako at walang kakampi. Di ko maisip na ang pagkato ko na mahilig sa party,labuyan at kahit anong social activity ay mapapalitan nang pagkakulong sa bahay at walang katapusan pagkontrol ng pamilya kong Koreano. Yun ang pinakamalungkot na nangyari sa buhay ko. Siguro kung ikukwento ko pa ang lahat ng drama ko sa buhay na kasama ang asawa ko at ang pamilya nya ay baka maging entry na ito sa Maalaala mo Kaya o Magpakailanman.Ngunit ang pagsulat ko naman dito ay may halong lakas ng loob at mga kaliwanagan sa buhay na sana kahit kaunti ay kumurot sa buhay pananampalataya nyo.

Noong nag - iisa ako at hindi makalabas ng bahay at hindi rin ako makapanoodd ng tv ay naging libangan ko ang magdasal at isulat ang lahat nang nangyayaring kalungkutan sa buhay ko. At kahit masama sila sa akin ipinagdarasal ko pa rin sila. Na sana ay magkaroon ng pagbabago. Hindi ako nahihiya sa pagtanda ng Krus sa harap nila dahil alam ko na iyon na lang ang tanging sandigan ko sa nauubos kong pasensya na kasama sila. Ang bawat problema ay isigaw ko sa kanya.naging makasarili at mainipin ako dahil minamadali ko si Lord at si Mama Mary na sana tulungan nila ako sa magulo kong buhay.Inisip ko na sana i-priority nila ako.Ang sama ko noh?

Ngunit kung naranasan mo siguro ang napagdaanan ko ay para ka ring nakikipag unahan umorder ng pizza kung gutom na gutom kana. Hindi ako napapagod magdasal sa kanya. Sa totoo lang ay wala pang limang beses ako naging masaya sa piling nila. Dalawa na yun. Ang magkaroon ng pagbabago na kapiling sila o mapahiwalay ako sa kanila. Siguo ay naabot ko na ang tamang panahon ng aking pagtitiis kaya nagkaroon ng kaliwanagan ang buhay ko at ang kaliwanagan iyong ay nagsimula nang nakapagsimba ako dito sa Hyewa.Napakalaking tulong ng simbahang Katoliko.At ang mga Pilipinong nakita ko ay tumatak sa aking isipan na hindi pala ako nag iisa.Nakikinig pala si Lord sa pagdasal ko ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria,Luwalhati at Sumasampalataya sa simbahan ng ibang relihiyon.nakikinig pala si Mama Mary kahit ang ginagamit ko sa pagdasal ng rosaryo ay aking daliri sa kamay. At kahit nagnonovena pala ako sa loob ng banyo para hindi nila ako istorbohin o pigilan. Okey lang pala ang lahat basta nandun ang tunay na pananampalataya tutulong sila. At pagkatapos kong mapahiwalay sa kanila ay halos hindi ko na mabilang ang lahat-lahat ng biyayang natatangap ko. Naisip ko rin ipagdasal lahat na may katulad kong sitwasyon noon na sana huwag silang mapagod magsasal.At lagi ko sinasabi kay Lord at Mama Mary na kailanman di ko kayo tatalikuran at mananatili sa pagkatao ko ang
pananampalatayang kinagisnan ko.

my first essay on sambayanan
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

pagninilay Empty galing talaga

Post by JHON CREATIVE III Thu Mar 13, 2008 10:26 pm

galing talaga ng idol ko
JHON CREATIVE III
JHON CREATIVE III
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 51
Reputation : 0
Points : 12
Registration date : 08/02/2008

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum