SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" HANDANG MAGPATAWAD ANG DIYOS "

4 posters

Go down

" HANDANG MAGPATAWAD ANG DIYOS " Empty " HANDANG MAGPATAWAD ANG DIYOS "

Post by Joel Tavarro Fri Oct 31, 2008 6:32 pm

" HANDANG MAGPATAWAD ANG DIYOS "
Joel Y. Tavarro


Mayroon akong mga katanungan na aking isasaysay. Nawa sa ating pag-iisa ay atin sanang mapagnilayan. Balik-tanaw muna tayo sa nakaraan. Naaalala mo pa ba ang mga binuong pangarap para sa mga minamahal sa buhay bago ka lumisan? Ang mabigyan ng magandang kinabukasan at sila ay maiahon sa hirap. Mga bagay at dahilan na nagtulak upang tayo ay mangibang bayan. Ang mga desisiyon na ating nagawa ay atin kayang natitimbang o pinag-aaralang mabuti? Ito kaya ay nagbubunga ng kabutihan? Tayo ba ay nasa kalagayan na masasabing maayos ang pamumuhay? Aking kaibigan at kababayan, sandali nating pagnilayan ang ating sitwasyon sa kasalukuyan. Kung ikaw ay nasa tamang direksiyon, ipagpupugay kita at nararapat na ipagdangal. Subalit kung ikaw naman ay nakalimot at naliligaw nawa ay mapagtanto mo kung saan ka papunta. Sana ay makabalik ka sa iyong alaala.

Nasaan na ngayon ang binuo mong pangarap bago ka lumisan? Ano naman kaya ang kalagayan ng iyong mga minamahal na iniwan, habang ikaw ay nagpapakasasa sa bisyo o kaya naman ay nasa ibang kandungan. Mag-isip-isip ka kaibigan baka buhay mo'y kung saan. Tunay nga na mahirap makaiwas sa tukso ngunit kung may takot ka sa Diyos, makakaya mong paglabanan ang mga ito, lalo na kung ang sentro ng buhay mo ay nasa kay Kristo. Habang maaga pa, may panahon pang pag-isipan at muling balikan ang tunay na ikaw upang ulirat ay magbalik at ikaw ay matauhan. Kaawa-awa ang mahal mo na sa iyo lamang umaasa, nagtitiwala at naghihintay na sa iyong pagbabalik ay sukbit ang karangalan at tagumpay.

Maraming ginagawang panlilinlang si satanas upang tayo ay malayo sa Panginoon. Binubulag at pinapatigas niya ang ating kalooban. Pinapataas ang antas ng ating pride. Kung kaya, sa tuwing pag-uusapan ang kaligtasan ng ating kaluluwa, patuloy lamang tayong nagbingi-bingihan, nagmamataas at hindi nauubusan ng mga dahilan para lamang makaiwas sa ganitong usapan. Kadalasan mas pinag-uukulan pa ng pansin ang mga mahahalay na usapan at masasamang pita ng laman. Marami ang nag-aakala na sa ganitong kalagayan ay malayo sila sa Pag-ibig ng Diyos sapagkat batbat ng problema at mga kasalanan, kung kaya sambit ng iba hindi sila "mahal ng Diyos". Ito ay maling akala sapagkat kung atin lamang gugunitain ang kasaysayan sa nakaraan, ang Diyos Ama ang nagsugo sa bugtong Niyang Anak para lamang sa atin. Nagpakasakit at nagpapako sa Krus upang tayo ay matubos sa ating pagkakasala at mailapit muli sa Kapangyarihan ng Ama. Ikaw lamang ang lumalayo sa kaligtasang alok ng Panginoon. Inialay Niya ang Kanyang sarili para lamang ipakita at maipadama ang Kanyang lubos at wagas na Pag-ibig.

Hindi isang aksidente habang binabasa mo ang pahinang ito. Nakatakda na talaga ito para sa iyo bilang paalaala at maaaring panawagan na rin para maliwanagan muli at magbago. Palaging bukas ang mga kamay ng Diyos sa lahat ng makasalanan at handang magpatawad sa lahat ng oras sa nagbabalik-loob sa Kanya. (Joel 2:13) ay nagsabi, "Magsisi kayo ng taos sa puso, hindi pakitang tao lamang. Magbalik loob kayo kay Yahweh na inyong Diyos. Siya'y may kababaang-loob at puspos ng awa. Mapahinuhod at tapat sa Kanyang pangako, laging handang magpatawad at hindi nagpaparusa." Ang nais ng Panginoon ay tuluyan mo nang layuan ang pagyakap sa kasalanang iniingat-ingatan. Tunay nga na mahirap sumunod sa dinaanan ni Kristo sapagkat maraming dawag, pagsubok at pasakit ngunit isa ito sa pamamaraan Niya upang tayo ay hubugin at makapasok ng maluwalhati sa Kaharian ng Diyos. Marami na ang nakasunod kay Kristo at sino ba ang sumunod na napariwara o napasama? Lahat ng nagsisikap at nagsabuhay ng Kanyang aral ay napabuti at nagtagumpay. Ngayon na ang panahon upang tanggapin at papasukin sa puso mo si Kristo na iyong Tagapagligtas. Tulungan mong iahon ang iyong sarili sa iyong kinalulubugan. Palaging tandaan, nasa huli ang pagsisisi. "Nasa inyo ngayon ang kapasyahan. Kayo ang pipili ng buhay at kasaganaan o ng kahirapan at kamatayan."(Deuteronomio 30:15)
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" HANDANG MAGPATAWAD ANG DIYOS " Empty Re: " HANDANG MAGPATAWAD ANG DIYOS "

Post by amie sison Tue Nov 18, 2008 11:22 pm

ka touched!

on the passion of the christ movie, god experience a tragic death but he still pray for those people who tortured him...he forgives everybody.
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

" HANDANG MAGPATAWAD ANG DIYOS " Empty Re: " HANDANG MAGPATAWAD ANG DIYOS "

Post by chayen Thu Apr 02, 2009 9:28 pm

isip idol
chayen
chayen
Senador
Senador

Number of posts : 2595
Age : 49
Location : s.korea
Cellphone no. : 01068700669
Reputation : 0
Points : 158
Registration date : 04/06/2008

Back to top Go down

" HANDANG MAGPATAWAD ANG DIYOS " Empty Re: " HANDANG MAGPATAWAD ANG DIYOS "

Post by rubiah Tue Apr 07, 2009 5:46 pm

have a blessed holy week po sa ating lahat
rubiah
rubiah
Baranggay Tanod
Baranggay Tanod

Number of posts : 265
Age : 49
Location : South Korea and Pinas
Reputation : 0
Points : 334
Registration date : 09/03/2009

Back to top Go down

" HANDANG MAGPATAWAD ANG DIYOS " Empty Re: " HANDANG MAGPATAWAD ANG DIYOS "

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum