SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

" BANGON "

2 posters

Go down

" BANGON " Empty " BANGON "

Post by Joel Tavarro Fri Oct 31, 2008 6:19 pm

"BANGON"
Joel Y. Tavarro

Napakaganda ng binuo mong mga pangarap
Bago ka lumisan para sa inyong hinaharap
Ang maiahon ang pamilya sa gutom at hirap
Karamay sa lungkot at ginhawa, maging sa pagsisikap

Naalaala mo pa ba, noong nag-apply ka sa embahada?
Maghapon silang naglugaw, pasaporte lamang ay makakuha
Kaliwa't kanang utang, di malaman kung mababayaran
Para lamang isugal ang kanilang kinabukasan.

Subalit nandito na sa Korea , nagkasakit ng amnesya
Pira-pirasong pangarap, nawala na sa alaala
Iba't ibang bisyo at pita ng laman ang inaatupag
Matigas na ang kalooban, kahit konti di nababagabag.

Kopol-kopolan ba ang sagot sa iyong kalungkutan?
Ito ba ang tamang paraan at kalutasan?
Malaswang pag-iisip, laging silid ng isipan
Hindi mo ba kayang iwasan ang tawag ng laman

Kaibigan, maliit man nawa'y may konsensya ka pa
Mga mahal na naghihintay, di ka ba naawa?
Panandalian lamang ang ginhawa mong tinatamasa
Baka bukas o samakalawa, ikaw ay muling nakatunganga.

Huwag hayaang sa kasalanan ikaw ay masiil
Nang hindi mabansagang" isang dakilang taksil "
Bumangon kang muli, kasalukuya'y harapin ng may tapang
Mga pagsubok sagupain ng buong lakas at kakayanan

Samantalahin ang pagkakataong bigay ng Panginoon
Makamit ang pangarap at makamtan na ngayon
Namnamin ang tagumpay ng ikaw ay magkaroon
Ito'y dalangin mo noon, Kanya namang dininig at tinugon.



Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

" BANGON " Empty Re: " BANGON "

Post by amie sison Mon Nov 03, 2008 12:45 pm

MAKISAMA
Amie Sison

Ang pamilyang ating iniwan
Nasasabik na sila ay mayakap man lang
Kanilang ngiti ating mapagmasdan
Nagitiis dito para sa kanilang pangangailangan

Kay daling lumipas ng panahon
Buhay nila sa Pilipinas inti-unti sa pagbangon
Matapang na hinaharap ang bawat hamon
Upang pangarap ay tuloy tuloy sa pagdugtong

Kung ikaw ay nawawalan ng pag asa
At pakiramdam mo ikaw ay nagiisa
Ikaw ay makisali sa organisasyon sa Korea
Malay mo baka sila ang magsilbing pamilya

Dito ay di ka mauubusan ng kaibigan
Nandyan para iyong sandalan
Iyong ngiti sila ay bahagian
Kaunting panahon sila ay saluhan

Sama sama tayo sa gawaing mabuti
Ipaalala ko na tayo ang bagong bayani
Kung maari sa Dyos tayo sy magsilbi
At manguna sa ikabubuti ng marami
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum