SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Dapit-Hapon

5 posters

Go down

Dapit-Hapon Empty Dapit-Hapon

Post by WebAdmin Tue Mar 04, 2008 10:45 pm

Dapit-Hapon
by zack

Hindi ko na matandaan kung kailan Kita huling kinausap
Marahil ay nalunod na ako sa mga biyayang nalasap
Sa aking tinatamasa na malayo sa dating dinanas na hirap
nawalan ako ng oras at walang ginawa kundi magpakasarap

Sinabi mo sa Akin noon na magtiwala ako sa Iyo
pangakong bubuhatin sa panahon ng siphayo
binigyan mo Ako ng pagkakataon upang makatayo
ngayon ay puro ginhawa ang aking natatamo

Kailan nga ba Kita huling napasalamatan
sa tagal ng panahon ay di ko na matandaan
samantalang dati Ikaw lamang ang sumbungan
lahat ng saloobin Ikaw ang tanging hingahan

Wala Kang hiningi sa aking kapalit ni isa
sa lahat ng tulong na Iyong ipinasa
subalit ano itong aking mga nagawa
aking ganti'y walang patumanggang pagpapabaya

Ngayon ako'y sa bisyo nalulong na tunay
sa tukso ako ay naging lubhang mabuay
sa aking pagharap sa mga nagawang pagsuway
mapagpatawad Mong yakap sa akin pa ri'y binibigay

patawarin Mo po ako sa mga nagawang pagkakamali
lahat ng habilin akin sadyang nabali
kinalimutan Ka sa mga oras ng tagumpay
sa kagipitan ngayun sa Iyo'y kumakaway

Mahabaging Ama di ko na po alam ang aking mga nagawa
puno ng pagsisi habang tumutulo ang mga luha
ako po'y naging isa itim na tupa sa Inyong pastulan
sa nalalabing kong oras, kapatawaran sana ay aking makamtan

Salamat po sa ibinigay nyong buhay na mahiwaga
totoo pong nasa huli ang pagsisi at pagtitika
uubusin ko ang mga huling sandali ng aking hininga
sa pagpupuri sa Iyo, O Diyos na puno ng awa

WebAdmin
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Number of posts : 233
Location : Seoul, Korea
Cellphone no. : Seoul
Reputation : 0
Points : 86
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

Dapit-Hapon Empty time to reflect

Post by Elizer Penaranda Thu Mar 06, 2008 10:55 pm

In just few minutes, I couldn't think of something except God.
This reminds me to reflect on the consequences which I am accountable for. It's true. This is the best time for a great change.
I love you
Elizer Penaranda
Elizer Penaranda
Super Moderator
Super Moderator

Number of posts : 149
Age : 50
Location : Gunpo
Reputation : 0
Points : 1
Registration date : 14/02/2008

Back to top Go down

Dapit-Hapon Empty Re: Dapit-Hapon

Post by goodheart Sat Aug 23, 2008 1:25 pm

very nice Ian...God will bless you and your family more... halik
goodheart
goodheart
Board Member
Board Member

Number of posts : 851
Location : Seoul, korea
Reputation : 0
Points : 75
Registration date : 11/06/2008

Back to top Go down

Dapit-Hapon Empty Re: Dapit-Hapon

Post by amie sison Fri Oct 17, 2008 12:17 pm

PARA KAY YAHWE


Dati sa akin ito ay palaisipan
Kung bakit ba sila nagsasayawan
Kahit sa misa na ipinagdiriwang
Si Kristo na kanilang pinapupurihan.

Ibang sekta ba ito ang aking tanong
Ngunit sa sarili ko lamang ito binubulong
Bakit pagpupuri ay umuusbong
Sa bawat nanalig sa mahal na Poon.

Si El Shaddai na hindi ko kilala
Nalaman sa bansang Korea
Pananampalataya ay lumalim pa
Dahil ipinapanalangin rin ang iba.

Kay sarap talaga ang maging isang lingkod
Sa mga problema ay nakakawala ng pagod
Pagmamahal na sadyang nakakalugod
Bigkis na suporta na parang tungkod.

Anibersaryo na ni Yahweh El Shaddai
Na nagpapagaan ng ating buhay
Sana makasama kayo sa pag pupugay
At asahan nyo ang kanyang gabay.
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

Dapit-Hapon Empty Re: Dapit-Hapon

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum