SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

BUHAY SA IBAYONG DAGAT

4 posters

Go down

BUHAY SA IBAYONG DAGAT Empty BUHAY SA IBAYONG DAGAT

Post by KATMAC Tue Mar 04, 2008 8:57 am

Sa hirap ng buhay sa ating inang bayan
Tayong mga Pinoy ay nakikipagsapalaran
Upang kumita ng dolyar, nagtrabaho sa ibang bayan
Para ang pamilya`y mabigyan ng magandang buhay.

Sa Gitnang Silangan, maging sa Asya o Europa
Sa Australia, sa Timog o Hilagang Amerika
Kahit saan mang dako nitong ating mundo
Ay may mga Pilipinong doon ay nakadestino.

Maging sa kalupaan o doon sa karagatan
May mga manggagawa na ating kababayan
Ibat`t ibang lugar ang kanilang pinagmulan
Pag nagkasama-sama`y magkakapatid ang turingan.

Mahirap mawalay sa mga mahal sa buhay
Lalo pa`t kaylamig ang bansang napuntahan
Pagtulog sa gabi`y... walang madantayan
Kaya kahit yaong unan ay pinagtitiyagaan!

May mga kababayan tayong, kalahi ni Adan/Eba
Pag umalis ng bansa at napunta sa ibang bayan
Pakilala nila...sila`y binata/Dalaga o hiwalay
At meron namang biyudo/biyuda...kahit asawa ay buhay!

Hindi rin maiwasan kahit may asawa na`y maligawan o ligawan
Kahit alam nila ang katayuan sa buhay
Kapag yaong puso ay mayroong natipuhan
Kahit sino ka pa...ikaw ay didigahan!

Bakit nga ba tumitibok itong ating puso?
At itong si kupido`y sige pa rin nang pag pana
Hindi ba maaaring itong puso ay ihinto?
Upang iisa lamang ang sa puso ay itago.

Mahirap magmahal ng mahal ng iba
Darating ang panahon tiyak na masasaktan ka
Pagka`t di natin hawak puso ng bawat isa
Dahil pag-ibig natin...dumating ay huli na!

Ganyan ang buhay sa ibayong dagat
Ang tukso ay palagi nating kaakibat
Kaya tayo sana ay huwag makakalingat
Laging alalahanin ating asawa at mga anak.
KATMAC
KATMAC
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 162
Location : KOREA
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 08/02/2008

Back to top Go down

BUHAY SA IBAYONG DAGAT Empty cool!

Post by amie sison Tue Mar 04, 2008 3:40 pm

Mahirap magmahal ng mahal ng iba
Darating ang panahon tiyak na masasaktan ka
Pagka`t di natin hawak puso ng bawat isa
Dahil pag-ibig natin...dumating ay huli na!

related na naman ako...ayan na nga kaya nagpaparaya ako...hirap kasi kung pipilitin natin yung isang tao na pilitin nya akong mahalin...
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

BUHAY SA IBAYONG DAGAT Empty GALING TALAGA

Post by JHON CREATIVE III Tue Mar 11, 2008 8:21 pm


ANG GAGALING NYO NAMAN GUMAWA NG TULA
JHON CREATIVE III
JHON CREATIVE III
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 51
Reputation : 0
Points : 12
Registration date : 08/02/2008

Back to top Go down

BUHAY SA IBAYONG DAGAT Empty ANG GALING MO

Post by reeve Tue Mar 11, 2008 8:29 pm

HI KATMAC,


THANK YOU VERY MUCH FOR POSTING YOUR VERY MEANINGFUL POEM HAHAHAH
PLS EMAIL IT TO THE LITERARY EDITOR, MS AMIE SISON OK?
WE WILL CONSIDER IT FOR MARCH ISSUE

IF YOU CAN MAKE ABOUT LENTEN SEASON MUCH BETTER
TNXS

REEVE
reeve
reeve
Co-Admin
Co-Admin

Number of posts : 274
Age : 38
Location : Anyang City, South Korea
Reputation : 0
Points : 47
Registration date : 02/03/2008

Back to top Go down

BUHAY SA IBAYONG DAGAT Empty Re: BUHAY SA IBAYONG DAGAT

Post by KATMAC Tue Mar 11, 2008 9:42 pm

reeve wrote:HI KATMAC,


THANK YOU VERY MUCH FOR POSTING YOUR VERY MEANINGFUL POEM HAHAHAH
PLS EMAIL IT TO THE LITERARY EDITOR, MS AMIE SISON OK?
WE WILL CONSIDER IT FOR MARCH ISSUE

IF YOU CAN MAKE ABOUT LENTEN SEASON MUCH BETTER
TNXS

REEVE

yeah sure po!
KATMAC
KATMAC
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 162
Location : KOREA
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 08/02/2008

Back to top Go down

BUHAY SA IBAYONG DAGAT Empty Re: BUHAY SA IBAYONG DAGAT

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum