SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

Sarap Maging Senador!!!

4 posters

Go down

Sarap Maging Senador!!! Empty Sarap Maging Senador!!!

Post by goodheart Tue Aug 26, 2008 2:00 am

Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan ay may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.
Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 and budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employee?
Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para naman sa Foreign Travel. At ang masakit pa nito, hindi na kailngan i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin 'yan kundi Certification lang ang Requirement.
Heto pa, lahat sila ay Chairman ng mg Komite sa Senado. Ang Committee Chairman ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador na humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 naman ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.
Sa P200 milyon na Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatikong may 10% na S.O.P. o kita ng Senador na P20 milyon. Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.
Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyon hinihingi sa mga kontratista.
Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan sa puwesto. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.
Ngayon nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!
ANG SARAP MAGING SENADOR ! ! !

LET THE WHOLE COUNTRY KNOW THAT ELECTION TENDS TO PUT IN OFFICE THESE AMBITIOUS PEOPLE WHO ARE GREEDY OF POWER, WEALTH & PRESTIGE INSTEAD OF BEING GENUINELY COMPELLED TO DO PUBLIC SERVICE... ANG MASAKIT PA, PERA NG BAYAN ANG GINAGAMIT SA ELEKSYON MALUKLOK LANG ANG MGA BUWAYA SA PWESTO!!! HINDI NA BA MATUTUTO ANG MGA PINOY?! Evil or Very Mad
goodheart
goodheart
Board Member
Board Member

Number of posts : 851
Location : Seoul, korea
Reputation : 0
Points : 75
Registration date : 11/06/2008

Back to top Go down

Sarap Maging Senador!!! Empty Re: Sarap Maging Senador!!!

Post by amie sison Tue Aug 26, 2008 5:59 pm

wow! kelan kaya ako magiging senador?
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

Sarap Maging Senador!!! Empty Re: Sarap Maging Senador!!!

Post by goodheart Wed Aug 27, 2008 2:43 am

hehe laki kita amie di ba? lolz Very Happy
goodheart
goodheart
Board Member
Board Member

Number of posts : 851
Location : Seoul, korea
Reputation : 0
Points : 75
Registration date : 11/06/2008

Back to top Go down

Sarap Maging Senador!!! Empty Re: Sarap Maging Senador!!!

Post by _Angelica_ Thu Aug 28, 2008 3:11 pm

laki pala kinikita nila!
_Angelica_
_Angelica_
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 52
Location : philippines
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 19/06/2008

Back to top Go down

Sarap Maging Senador!!! Empty Re: Sarap Maging Senador!!!

Post by Cielo Thu Sep 04, 2008 10:26 am

hmmm...cmulan ko na tumakbo bilang tanod ng barangay
mga after 10 yrs cguradong senador na ako mas malaki na cguro ang kita sa panahon nayun lol!
Cielo
Cielo
Seosaengnim
Seosaengnim

Number of posts : 1312
Reputation : 0
Points : 139
Registration date : 18/02/2008

Back to top Go down

Sarap Maging Senador!!! Empty Re: Sarap Maging Senador!!!

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum