SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

DAYUHANG MANGAGAWA

2 posters

Go down

DAYUHANG MANGAGAWA Empty DAYUHANG MANGAGAWA

Post by KATMAC Fri Feb 29, 2008 9:58 am

BAKIT NGA BA TAYO LUMISAN SA ATING BAYAN?
AT ANG ATING PAMILYA`Y ATING INIWANAN
BAWAT ISA SA ATIN AY MAY KANYA-KANYANG DAHILAN
ANG KARAMIHAN SA ATIN AY PROBLEMA SA PINANSYAL.

MAY MGA KABABAYAN TAYONG KAY-INAM NA NG BUHAY
DUON SA INANG BAYAN NA KANILANG KINAKAMTAN
SUBALIT NAHIKAYAT NA IBENTA ANG KABUHAYAN
UPANG SA IBAYONG DAGAT AY MAKIPAGSAPALARAN.

ANO NGA BANG MAYROON SA LUPA NG DAYUHAN?
AT TAYONG MGA PINOY AY NANGINGIBANG BAYAN
MASARAP BA ANG MAMUHAY NANG NAG-IISA LAMANG?
AT WALA ANG PAMILYANG SA ATIN AY NAKAAGAPAY.

MAY MGA DUKTOR AT NURSES TAYONG KABABAYAN
NA SA IBAYONG DAGAT DUON NANINILBIHAN
PAWANG MGA MAYSAKIT, ANG KANILANG INAALAGAAN
PAMILYANG MAY KARAMDAMAN DUON SA `PNAS AY INIWAN.

IBA NAMAN SA ATIN, ``FACTORY WORKER` ` AY PINASUKAN
KATULAD NA LAMANG NG LINGKOD NYO AT KAIBIGAN
MGA ANAK SA `PINAS..LAKAS- LOOB NA INIWANAN
AT KAHIT SA IBANG TAO, SILA`Y PINAAALAGAAN.

IYAN AY ILAN LAMANG SA BUHAY NG ATING MGA KABABAYAN
NA PATULOY NA NAKIKIBAKA DITO SA LUPANG DAYUHAN
LABAG MAN SA KALOOBAN, AY ATING PINAGTITIISAN
KAPALIT NG DOLYAR, PANGSUPORTA SA MGA MAHAL SA BUHAY.

BUHAY SA ABROAD...AKALA NILA AY ANONG SARAP
PAMILYA SA PILIPINAS, SA TUWING ATING MAKAKAUSAP
ANG PERANG IPINADALA KELAN DAW BA MATATANGGAP?
ANG HINDI NILA ALAM, TAYO RIN DITO`Y NAGHIHIRAP!

HINDI PWEDE ANG MARUPOK NA MANGAGAWA ANG MAGDAYUHAN
PAGKAT IBA`T IBANG PAGSUBOK ANG ATING MARARANASAN
DAPAT AY MAGING MATATAG SA MGA UNOS NA DARATING
KAYAT PALAGI TAYONG KUMAPIT SA ATING POONG MAYKAPAL…
KATMAC
KATMAC
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 162
Location : KOREA
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 08/02/2008

Back to top Go down

DAYUHANG MANGAGAWA Empty thanks

Post by amie sison Sun Mar 02, 2008 9:43 pm

sis kat....very natural.ganda ng dating...maraming salamat.
amie sison
amie sison
SULYAPINOY Literary Section Editor
SULYAPINOY Literary Section Editor

Number of posts : 2332
Age : 41
Location : seoul
Reputation : 12
Points : 132
Registration date : 07/02/2008

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum