SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

here's something to touch our hearts

2 posters

Go down

here's something to touch our hearts Empty here's something to touch our hearts

Post by chayen Tue Jun 10, 2008 8:05 pm

Sa Aking Pagtanda

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala
ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw
sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang
matanda.Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" Pakiulit na lang ang
sinabi
mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit
ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo
sana
akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak
noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong
sasabihin,
maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling
magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan
mo noong bata ka pa? Pinatiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama
kapag
ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil
ito
ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali
lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam
kong
busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na
akong
makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko.
Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at
intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banig
ng
karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo
na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan. Pagtyyagaan mo sana
akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na
naman
ako
magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking
kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa Kanya na pagapalain ka sana ... dahil naging mapagmahal
ka
sa iyong ama't ina...

Rev. Fr. Ariel F. Robles
CWL Spiritual Director
St. Augustine Parish
Baliuag, Bulacan
I love you
chayen
chayen
Senador
Senador

Number of posts : 2595
Age : 49
Location : s.korea
Cellphone no. : 01068700669
Reputation : 0
Points : 158
Registration date : 04/06/2008

Back to top Go down

here's something to touch our hearts Empty kakatats nga

Post by Edge Sat Jun 28, 2008 1:54 pm

Crying or Very sad
Edge
Edge
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 70
Age : 46
Reputation : 0
Points : 0
Registration date : 12/06/2008

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum