SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

+15
lhai
jovit26
kyeoungjuboy
aldin
jr_dimabuyu
Tatum
barasiferds
che_che
tony bee
chayen
WARLiE
sherellg
pare_ko
cute2mo
malambing_829
19 posters

Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by malambing_829 Mon Apr 26, 2010 9:46 pm

[b][i][size=18][/sizeBig size MGA KABABAYAN PLS READ, LALO SA MGA OFW...

Quote
Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW.
At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa...
Nais ko rin ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito.
Maaaring makatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa't isa ang tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW (Isa ako sa milyun-milyong kababayan natin). Tiyak na may mapupulot tayong aral dito.

Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na 'pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P20K-P30K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (Amen!).
Malaki ang pangangailangan kaya karamihan sa amin ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis kami sa Pinas. Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.

Mahirap maging OFW - Kailangan namin magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo (hindi kc agad nasisira ito) at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na kami na lang ang magutom kaysa gutumin ang pamilya.

Kapag umuuwi kami, kailangan may baon/pasalubong kahit konti, kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam nyo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin. Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na.

Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun.

Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin at trato sa gaya nating mga Pinoy, kahit na masipag at mas may utak tayo kaysa sa kanila. Malamang marami ang naka-experience na nang pang-gugulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iiiyak na lang namin kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi kami sa pinas.

Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming pasaway sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapag-padala na kami, okay na yun, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".

Hindi bato kaming mga OFW - Tao rin ang OFW, hindi kami money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit (na-endoscopy ako), nag-iisip (nakapag-adjust na) at nagugutom (palagi). Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually (especially ito) man lang.

Tumatanda rin kaming mga OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind.

Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pagpapakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya sa Pinas - ang anak adik o nabuntis/nakabuntis; ang asawa/gf/bf may kinakasamang iba; ang kapatid nakuntento na lang na umasa at tumambay. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"

Bayani kaming mga OFW - Totoo yun! Ngayon ko lang na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio na kalayaan ang ipinaglaban. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay.

Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't parang mga ahas at parang mga amag ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya namin kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot namin na mawalan ng trabaho at sweldo.

Matindi kaming mga OFW - Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution.

Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.

Malas naming mga OFW, swerte ng mga buwayang pulitiko - Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap o na-maltrato). Madalas nasa sidelines lang ang OFW.

Kapag lilisan ng bansa, malungkot and on the verge of tears; Kapag dumadating, swerte 'pag may sundo (madalas naman meron); Kapag naubos na ang ipon at wala nang maibigay, wala na rin ang kamag-anak. Sana sikat kaming mga OFW para may boses kami sa Kamara.

Ang swerte ng mga buwayang pulitiko nakaupo lang sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan ng matinding araw o napapaso ng langis; napagagalitan at nasasampal ng amo; kumakain ng paksiw para makatipid; nakatira sa compound with conditions less than favorable; nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte ninyong mga buwayang pulitiko kayo, sobrang swerte ninyo.

Matatag kaming mga OFW - Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks.

Tatagal ba ang OFW? - Tatagal at dadami pa kami hangga't hindi pa natin alam kung kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya?... o may tsansa pa ba?

Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos na kasama ka.

Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka.

Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago.

Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo at nakakakuwenttuhan mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines; iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo except ('pag hambog at utak-talangka); Iba pa rin 'pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo; Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika"," "Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba".

Iba pa rin talaga.

Sige lang, tiis lang, saan ba't darating din ang pag-asa.

Kung may kamag-anak kang OFW mapalad ka at wala ka d2 sa kinalalagyan namin at anjan ka kasama mo ang mga mahal mo sa buhay.

Kung OFW ka at binabasa mo ito, mabuhay ka dahil ikaw ang tunay na BAYANI ng lahing PILIPINO!!!
malambing_829
malambing_829
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 26
Age : 46
Location : phils
Reputation : 0
Points : 34
Registration date : 24/08/2009

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by cute2mo Tue Apr 27, 2010 11:20 pm

galing nman salamat po

cute2mo
Super Sipag na Mamamayan

Number of posts : 78
Reputation : 0
Points : 37
Registration date : 16/03/2008

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by pare_ko Tue Apr 27, 2010 11:48 pm

Fighting!!!!!!!!!!
pare_ko
pare_ko
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 35
Age : 45
Location : Namdong-Kongdan Incheon City
Reputation : 3
Points : 34
Registration date : 13/02/2009

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by sherellg Sat May 01, 2010 3:23 am

idol
sherellg
sherellg
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 36
Age : 44
Location : kyusi, pinas
Cellphone no. : :D
Reputation : 0
Points : 50
Registration date : 31/01/2010

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by WARLiE Sat May 01, 2010 4:57 pm

Nice one...
WARLiE
WARLiE
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 45
Age : 47
Location : South korea
Reputation : 0
Points : 22
Registration date : 30/03/2008

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by chayen Fri May 07, 2010 9:54 pm

tnx 4 sharing..fighting kabayan tagay
chayen
chayen
Senador
Senador

Number of posts : 2595
Age : 49
Location : s.korea
Cellphone no. : 01068700669
Reputation : 0
Points : 158
Registration date : 04/06/2008

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by tony bee Fri Jul 23, 2010 9:10 am

ang galing mo naman,mabuhay ka!

tony bee
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 3
Age : 48
Location : pocheon,south korea
Reputation : 0
Points : 5
Registration date : 21/07/2010

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by che_che Fri Jul 23, 2010 10:33 pm

wow,galing naman...totoo,yan kabayan.GOD BLESS to all of us.

che_che
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 22
Reputation : 0
Points : 72
Registration date : 16/07/2010

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by barasiferds Fri Jul 23, 2010 11:32 pm

yan ang totoo...thanks for sharing....

barasiferds
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 47
Age : 44
Location : phils
Reputation : 0
Points : 55
Registration date : 02/07/2010

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by Tatum Sat Jul 24, 2010 4:27 am

OMG!napaluha 2loy ako pagkabasa ko dito...naranasan ko na rin kc yan e...anyway thnx 4 shaRing kabayan...mabuhay ang mga ofw!
Tatum
Tatum
Gobernador
Gobernador

Number of posts : 1326
Age : 42
Location : gwangu city
Cellphone no. : 01057871425
Reputation : 0
Points : 1576
Registration date : 30/05/2010

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by jr_dimabuyu Sun Jul 25, 2010 4:55 pm

i agree,,..
jr_dimabuyu
jr_dimabuyu
Congressman
Congressman

Number of posts : 1827
Age : 43
Location : GYEONGGIDO, ICHEON-SI BAEKSA MYEON
Cellphone no. : 01028938091
Reputation : 6
Points : 2067
Registration date : 09/07/2010

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by aldin Mon Jul 26, 2010 6:47 pm

idol
aldin
aldin
Isa Kang Maginoo
Isa Kang Maginoo

Number of posts : 223
Age : 47
Location : chung-cheong buk-do jincheon gun gwanghaewon myeon kumkukri 395-1
Reputation : 3
Points : 290
Registration date : 03/12/2008

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by kyeoungjuboy Mon Jul 26, 2010 10:16 pm

iyak aus na aus,,,,mabuhay taung lahat,,,,
kyeoungjuboy
kyeoungjuboy
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 9
Age : 45
Location : gyeongju city
Cellphone no. : 01049851975
Reputation : 0
Points : 14
Registration date : 05/07/2010

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by jovit26 Wed Jul 28, 2010 3:13 pm

"FILIPINO IS THE BEST"

jovit26
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 37
Age : 35
Location : macabebe,pampanga
Cellphone no. : 09099221161 or 01077557497
Reputation : 0
Points : 40
Registration date : 05/07/2010

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by lhai Fri Jul 30, 2010 11:22 am

hay........ totoo po yan...........
lhai
lhai
Moderators
Moderators

Number of posts : 550
Location : pyongtaek si south korea
Reputation : 6
Points : 869
Registration date : 19/08/2009

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by bhongske Sat Jul 31, 2010 1:48 am

totoo un naranasan makipag away para sa kinabukasan ipag tanggol ang kababayan para umangat ang pilipino talent d kami magpapatalo lalo na nakakasalalay ang buong bansa magaling ang pinoy mahal namain ang kapwa pilipino sana pag dito na tao wag mag hilahan or mag apakan tulong tulong para sa bayan at pamilya at sa kinabukasan ng mahal sa buhay mabuhay tau lahat d2 sa mga papunta palang d2 sana isipin nyo na e2 para umasinso tau lahat mabuhay ang mga bayani sa korea ...
bhongske
bhongske
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 20
Reputation : 0
Points : 97
Registration date : 01/01/2010

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by bhongske Sat Jul 31, 2010 1:50 am

lagi nyo isaisip pilipino magaling at matyaga
bhongske
bhongske
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 20
Reputation : 0
Points : 97
Registration date : 01/01/2010

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by Raechelle Montalbo Sun Sep 19, 2010 1:30 am

Mga kababayan,

mabuhay po kayo!

hihingin ko po sana ang iyong suporta.
sana po ay bisitahin ninyo po ang website na ito:

http://www.sambayanan.org/binibinivotepage.php

at iboto niyo po kami - Raechelle Montalbo po at si Noel Joseph Alvarez, mga kandidato po ng FEWA sa darating na Ginoo at Binibining Kalinangan 2010.

hanggang Sept 21 na lang po ang botohan, kaya po makakatulong talaga ang inyong pagboto. kung maari din po ay irepost niyo po ito sa inyong FB wall o sa inyong twitter.


Maari din po kayong bumili ng raffle tickets at manalo ng mga premyo:
1ST PRIZE: 1,000,000 Won
2ND PRIZE: flat tv, 42 inches
3RD PRIZE: Desktop with flat screen monitor
4TH PRIZE: Digicam

suportahan po natin ang event na ito, at makakatulong po tayo sa mga proyekto ng simbahan para sa mga kbabayan po natin dito sa South Korea na nangangailangan ng tulong.

Maraming salamat po!


Maraming Maraming salamat po!https://2img.net/r/ihimizer/img19/9237/fewacampaign.jpg " alt="" />

Raechelle Montalbo
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 26
Age : 38
Reputation : 0
Points : 28
Registration date : 27/08/2010

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by prince_igor Sun Sep 19, 2010 4:36 am

raise your fist up in the air!

FILIPINO REPRESENTIN'! Cool
prince_igor
prince_igor
Tapat na Mamamayan
Tapat na Mamamayan

Number of posts : 124
Location : Bataan / Damanri Jinrye Myan, Gimhae City
Cellphone no. : 010-8690-55??
Reputation : 0
Points : 149
Registration date : 10/08/2010

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by markanthony Sun Sep 19, 2010 10:11 pm

na tumbok mo! ika nga ng mga koreano FIGHTING! kaso kming mga EPS hanggang six years lng daw talaga d2 pwedeng mag trabaho e, ung mga bago nman ay 4 years ang ten mos., SUPER BITIN MGA KABAYAN DI BA? ito ang dapat nating alamin at pag tuunan ng pansin kung paano ito maba2go, ung bang hanggat gusto ka ng employer mo ay pwede kang mag renew lagi ng visa,....PANAWAGAN! kung cno man po ang may alam o hakbang n dapat gawin para mabago ang ganitong batas ng eps, ay mag panukala n kyo at cgurado maraming kabayan natin d2 s korea ang su2porta d2, kailangan b uling mag pa pirma? tanong lng po at panawagan sa may idea kung ano ang dapat nating gawin!

markanthony
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 23
Reputation : 0
Points : 46
Registration date : 27/08/2010

Back to top Go down

NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs Empty Re: NDI MAYAMAN ANG MGA OFWs

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum