SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

ano ang dapat kong gawin?

+2
jrtorres
gesterry
6 posters

Go down

ano ang dapat kong gawin? Empty ano ang dapat kong gawin?

Post by gesterry Wed Jan 13, 2010 9:20 pm

ano ang dapat kong gawin, nung 1 taon ko po sa kumpanya ko nagtiis ako na kulang ang sahod ko at walang pay slip, naiknsulta ko na po ito sa ---- pero d naman po nila inaksyonan,sabi ko sa amo ko ayaw ko sa kanila after my contract pero pinapirma pa rin nila ako ng kontrata sa labor at d naman nasusunod yung tamang pasahod at until now wala pa ring pay slip for my new contract,gusto ko na rin pong makaalis dito dahil kakaiba na ang nararamdaman ko sa matinding pagod at sama ng loob dahil pati o.t. d rin tama ang bigay,ganyan po ang pagtitiis ko dito para sa pamilya ko at sa bansa natin. nais ko rin po sanang makahingi ng tulong kung paano makaalis at mabigyan nyo ako ng trabaho na d medyo mahirap at d delikado sa puso.mabigat po kase trabaho ko at delikado sa kalusugan ko,maraming salamat and more power sa inyo.. EPS po ako.God Bless..

gesterry
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 5
Reputation : 0
Points : 20
Registration date : 07/12/2009

Back to top Go down

ano ang dapat kong gawin? Empty Re: ano ang dapat kong gawin?

Post by jrtorres Wed Jan 13, 2010 10:44 pm

kabayang gesterry....pagnaka 1 taon ka sa company mo at ayawmo na magsign ay dika nila pwedeng pwersahin na pumirma ulit..may karapatan ka na ..na makahanap ng ibang company...ilegal din ang di ka bigyan ng payslip..at di pasahurin ng tama...san ba ang location mo...may iba ka bng pinanghahawakan katulad ng payslip...at yung sahod mo ba ay pinapasok sa banko..kasi pwede mo ito magamit na ebidensya..pwede ka patulong sa mga migrant center..o kaya ay pumunta ka mismo sa labor na malapit sa inyo at magfile ng reklamo..para maibalik kung ano mang sweldo na di naiibigay sayo ng tama...call ka sakin kung may iba ka pang katanungan ....
jrtorres
jrtorres
Baranggay Captain 2nd Term
Baranggay Captain 2nd Term

Number of posts : 491
Age : 45
Location : gyeongju south korea
Reputation : 18
Points : 945
Registration date : 24/01/2009

Back to top Go down

ano ang dapat kong gawin? Empty Re: ano ang dapat kong gawin?

Post by marzy Wed Jan 13, 2010 10:50 pm

Kabayang Gesterry...nasubukan mo na bang kausapin ang amo mo hinggil sa iyong nararamdaman at kung bakit kulang ang sahod..???subukan mo munang magpaalam ng maayos sa iyong amo na i release ka..kung ayaw nya nmn pde ka nang lumapit sa labor office na nakakasakop sa inyong kumpanya.pwede mo isangguni ang iyong problema doon at maaari din na cla ang mag release sa iyo para makahanap ka ng mas maayos na kumpanya.....matanong ko lng po me kopya ba ng iyong kontrata???at paano ba ang pasahod sa inyo in cash binibigay or pinapasok sa account nyo???
marzy
marzy
FEWA - Administrative Adviser
FEWA - Administrative Adviser

Number of posts : 435
Reputation : 3
Points : 628
Registration date : 08/02/2008

Back to top Go down

ano ang dapat kong gawin? Empty Re: ano ang dapat kong gawin?

Post by gesterry Thu Jan 14, 2010 8:46 pm

meron naman po akong kopya ng kontrata, salamat po sa reply nyo sa katanungan ko... at yung pasahod naman po eh pinapasok nila sa acct. ko, nagiingat lang po kase ako dahil puro mga TNT ang mga kasama ko at kababayan pa natin ang iba... tanong ko lang po kung may makukuha ba akong twejikom dito sa kumpanya,1yr. and 1mo. na po ako dito... maraming salamat po uli sa inyong lahat...

gesterry
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 5
Reputation : 0
Points : 20
Registration date : 07/12/2009

Back to top Go down

ano ang dapat kong gawin? Empty Re: ano ang dapat kong gawin?

Post by gesterry Thu Jan 14, 2010 8:55 pm

maraming salamat sir sa payo ninyo, bukod nga po pala sa d nila pagbibigay ng payslip tuwing sweldo, kahit na ipinapasok nila sa acct ko, d pa rin po kumpleto yung buwan ng hinulugan nila sa kukmin o (NPS).d po ba mahirap makahanap ng work ngayon? 1 yr and 1mo. na ako dito sa kumpanya ko pero nkagamit na ako ng 6 mo. sa ibang kumpanya, release din po pero nalugi naman kase yun,d ko po kase alam kung mahirap ng makahanap ng work ngayon kase naka 3yrs na ako before,at lumalakad na yung extention ko sa another 3yrs po ba ulit?meaning nakaka 1 yr and 7 mo na ako sa extention ko sa korea... maraming salamat po ulit.. mabuhay po kayo and GOD bless...

gesterry
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 5
Reputation : 0
Points : 20
Registration date : 07/12/2009

Back to top Go down

ano ang dapat kong gawin? Empty Re: ano ang dapat kong gawin?

Post by AYGU Thu Jan 14, 2010 10:35 pm

opis work gusto mo???/ affraid

AYGU
Masipag na Mamamayan
Masipag na Mamamayan

Number of posts : 28
Location : INCHEON,SOUTH KOREA
Reputation : 0
Points : 56
Registration date : 11/01/2010

Back to top Go down

ano ang dapat kong gawin? Empty Re: ano ang dapat kong gawin?

Post by gesterry Fri Jan 15, 2010 6:04 am

salamat sa payo mo kabayan,... tunay nga kitang kababayan, sana mangyari sayo ang nang yari sa akin...salamat ulit dahil d naman reklamo kundi katanungan lamang isang kang bayani na maipagmamalaki ng bansang pilipinas kabayang padre damaso... aygu,, salamat po.

gesterry
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 5
Reputation : 0
Points : 20
Registration date : 07/12/2009

Back to top Go down

ano ang dapat kong gawin? Empty Re: ano ang dapat kong gawin?

Post by zack Fri Jan 15, 2010 7:32 am

gesterry wrote:ano ang dapat kong gawin, nung 1 taon ko po sa kumpanya ko nagtiis ako na kulang ang sahod ko at walang pay slip, naiknsulta ko na po ito sa ---- pero d naman po nila inaksyonan,sabi ko sa amo ko ayaw ko sa kanila after my contract pero pinapirma pa rin nila ako ng kontrata sa labor at d naman nasusunod yung tamang pasahod at until now wala pa ring pay slip for my new contract,gusto ko na rin pong makaalis dito dahil kakaiba na ang nararamdaman ko sa matinding pagod at sama ng loob dahil pati o.t. d rin tama ang bigay,ganyan po ang pagtitiis ko dito para sa pamilya ko at sa bansa natin. nais ko rin po sanang makahingi ng tulong kung paano makaalis at mabigyan nyo ako ng trabaho na d medyo mahirap at d delikado sa puso.mabigat po kase trabaho ko at delikado sa kalusugan ko,maraming salamat and more power sa inyo.. EPS po ako.God Bless..

kabayan,

una, paumanhin sa late na pagsagot sa tanong mo. Linawin ko sana na sa mga rason na sinabi mo tulad ng walang payslip at di nasusunod ang tamang pasahod, Maaari kang magreklamo at gawing rason ang di pagpapasahod ng tama at di pagbibigay ng payslip para makita mo kung tama ang kompyutasyon ng iyong sinasahod na isang uri ng contract violation. Subalit sa ilang mga kaso, ang unang ginagawa ng Labor office ay i-inform ang iyong amo sa reklamo mo regarding sa maling pasahod at di pagbibigay ng payslip at pagkatapos ay bibigyan ng instruction ang iyong amo na itama ang maling pagpapasahod at di pagbibigay ng payslip. Kung matapos nito at di sumunod ang iyong amo, maaari ka ng humingi ng tulong sa labor office mismo para makalipat ng ibang kumpanya, subalit kung itatama ng amo mo ang kanilang pagkukulang, wala kang magiging sapat na dahilan para makalipat, lalo na at napapirma ka na nila uli ng bagong kontrata. Kung sakaling hindi pa, ay tapusin mo lang ang 1 taon mo sa kanila (end contract) at wag na pumirma at automatikong ibig sabihin nito na ikaw ay release na (basta hindi end ng sojourn period na 3 taon).

Sa trabaho, lahat tayo ay alam na 3D ang klase ng trabaho dito (Dirty, Difficult at Dangerous... minsan 4D pa, which is Deadly) kung kaya't karamihan talaga y mahirap ang trabaho. Ang maipapayo ko sa iyo ay kung makakapagparelease ka, humingi ka ng referral mula sa iyong nakakasakop na Labor Center para makapaghanap ka ng trabaho sa ibang Malalaking Labor Center tulad ng Ansan, Cheonan etc na kung saan ay may Sajang day. Kapag Sajang Day, ang mga Sajangnim or mga inatasang empleyado ang mismong pumupunta ng Labor Center para humanap ng mga EPS worker. Doon ay makakausap mo sila kung anong klase ang kanilang business para makita mo kung maganda ang kanilang negosyo. Maaari mo din linawin ang ilang mga bagay tulad ng libre tirahan, pagkain etc.

Sana ay palarin ka na makalipat at makahanap ng mas magaan na trabaho kabayan. Muli Mabuhay tayo!

Christian "Zack" Robles
zack
zack
Root Admin
Root Admin

Number of posts : 315
Reputation : 6
Points : 750
Registration date : 06/02/2008

Back to top Go down

ano ang dapat kong gawin? Empty Re: ano ang dapat kong gawin?

Post by gesterry Fri Jan 15, 2010 8:29 pm

napakagandang payo po at at least naliwanagan ako sa mga katanungan ko,maraming salamat po sa mga tulong na nagagawa nyo sa amin, o sa ating mga kababayan,ganyan po ang ang tunay na pagbigay tulong o payo sa nagngailangan at d yung nangungutya,(tulad ng ibang nagrepy sa aking katanungan)salamat admin... salamat sa sulyap pinoy... more power and God bless you all...

gesterry
Mamamayan
Mamamayan

Number of posts : 5
Reputation : 0
Points : 20
Registration date : 07/12/2009

Back to top Go down

ano ang dapat kong gawin? Empty Re: ano ang dapat kong gawin?

Post by kurapika Tue Jan 19, 2010 2:09 am

Saan ba ang location mo kabayan? kami by next month baka kukuha ng tao, pag summer kasi mejo busy kami, kaso nga lang nabanggit mo na ayaw mo ng mejo mahirap na work... ang nature po ng work namin ay. plastic injection blow molding. mejo mainit kasi abot hnggang 270ºC ang temp ng machine, at minsan nmn paltos ang mga daliri lalo na pag baguhan..
eto po watch mo vid.
kurapika
kurapika
Baranggay Councilor
Baranggay Councilor

Number of posts : 324
Location : Paju City
Cellphone no. : 0
Reputation : 3
Points : 556
Registration date : 11/08/2009

Back to top Go down

ano ang dapat kong gawin? Empty Re: ano ang dapat kong gawin?

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum