SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin

Join the forum, it's quick and easy

SULYAPINOY Online Forum
Hello Kabayan:

Welcome to our very informative Forum Website.

Questions related to Korean labor laws and policies, comments and suggestions on issues concerning Filipino migrant workers, announcements, literary works, news and personal opinion are welcome here...

So what are you waiting for... Sign-up now!

Sincerely,

SULYAPINOY WebAdmin
SULYAPINOY Online Forum
Would you like to react to this message? Create an account in a few clicks or log in to continue.

MAKATARUNGANG TIMBANGAN

Go down

MAKATARUNGANG TIMBANGAN Empty MAKATARUNGANG TIMBANGAN

Post by Joel Tavarro Fri Feb 04, 2011 8:28 am

MAKATARUNGANG TIMBANGAN
Bro. Joel Tavarro

“ Ang pamamahala Niya sa daigdig, pawang naaayon. Sa makatarungan Niyang pagpapasya, bilang isang hukom “. ( Awit 9:8 )


Sa Lumang Tipan makailang ulit binanggit ang paggamit sa hustong timbangan. Makailang beses na sinambit lalo na sa aklat ng Awit na ang Diyos ay makatarungan kung humatol. Dahil ayaw at galit ang panginoon sa hindi patas ang pagtingin sa bawat isa. Ayaw Niya sa palalo at mandaraya. Matatandaan sa aklat ng mga hari, si haring Solomon ay itinalaga ng Diyos upang pamunuan ang napakalawak na lupain. Binigyan siya ng karunungang walang kapantay dito sa balat ng lupa. Kaya naman naging maayos at mapayapa ang kanyang kahariang nasasakupan noong siya ay nabubuhay pa, dahil na rin sa patas siya kung humatol sa mga may sala. Mantakin ninyo, hindi pa natutuklasan ng siyensya ang “ Evaporation at Condensation ” nauna na niyang naipaliwanag ang mga ito. Kahanga-hanga hindi ba? Kaya hindi malayong matuwid ang ginagamit niyang timbangan sapagkat nababatid niya ang tama at mali.

Sa kasalukuyan, nagkakaroon ng gulo dahil sa hindi patas na pagtingin o may kinikilingan dahil na rin sa kasakiman at pagkaganid sa kapangyarihan kung kaya naman naghahari ang kaguluhan. Sa kongregasyon, samahan at mga grupo nandoon din ang hinasik ng kalaban upang hindi magkasundo ang bawat isa dahil ayaw ni satanas na tayo ay mag-ibigan na parang tunay na magkakapatid sa laman. Ang batas at tuntunin na ipinapatupad ng mga pinuno ay dapat nating igalang, irespeto at sundin sapagkat ang nagtalaga sa mga pinuno ay ang Diyos. Subalit kung minsan ito ay naaabuso ng ilan. Kapansin-pansin ito sa mga taong inargabyado. Hindi ba kapag pamilya natin ang nagawan ng panlalamang nagsasampa tayo ng kaso sa hukuman laban sa kanila upang makamit ang hustisya? Bakit kung ang ating kapamilya naman ang nasangkot sa hindi magandang sitwasyon pilit nating ipinaglalaban upang mapawalang sala? Gayun alam natin kung minsan na may kasalanan sila. Dahil ba sa mahal natin o nais lang pagtakpan ang nagawang mali? Napakahirap maging husgado na kapag humatol ng hindi nauukol hahabulin ng konsensya na parang multo at kahit sa panaginip ay nagpapakita. Tunay nga na ang Diyos ay Dakilang hukom at Hari ng Karunungan walang “ Exemption “ sa Kanya at binabalanse niya ang lahat ng bagay. Dahil kung walang namumuno saan patutungo ang nakabababa? Malamang magkakagulo ng parang tupang ligaw. Ang galing din ng ginamit na “Metaphor” ng Panginoon patungkol sa tupa. Ang tupa sa hindi maipaliwanag na dahilan kung walang nagpapastol sa kanila ay palaging naliligaw, nawawala, nahuhulog sa mga balon at bangin. Tulad ng mga putakti kapag nawala ang kanilang reyna nagkakaroon ng gulo at ang bawat lumapit sa kanilang kampo tiyak na makakagat nila. Hindi gaya ng mga langgam, sila ay may organisadong samahan na hindi na kailangang bantayan sa pag-gawa. Patuloy silang nagtatrabaho upang makapag-impok ng pagkain. Maayos silang pumipila sa mga nilalakaran, sila ay walang mga mata upang makakita, pang-amoy lamang ang kanilang ginagamit. Marahil kung mayroon silang mga mata baka napatulad na rin sila sa tao, nagkaka-inggitan…

“ Time and chance happen to all,” mahirap arukin ang karunungan ng Diyos. Bakit pinapalitan din Niya ang mga namumuno? Humirang ng bago na may ibang ginagamit na kapamaraanan upang mas mapaunlad, mapasaya, maisaayos ang lahat at mapabuti pa ang kanilang nasasakupan. Kapag ang isang bagay ay hindi dumaan sa tamang proseso ito ay matatawag na ilegal, sapagkat sinasalungat nito ang kalooban ng nagtalaga. Malinaw lamang na ito ay pagpapamalas ng paglaban sa namumuno. “ Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa mga itinakda ng Diyos; at lalapatan ng parusa ang sinumang lumalaban.“ ( Roma 13:2 ) Marami nang pamunuan ang bumagsak dahil may kinikilingan na malapit sa kanilang puso. Katulad nalang ng pangyayari sa ating bansa na gumimbal sa buong mundo. Matagal ng pinagharian ng isang pamilya ang lugar na yaon. Anila, labis daw ang pagka gahaman sa kapangyarihan. Abusado at marami ng inaping maliliit na tao. Ang lahat ng mga bagay ay may katapusan dito sa lupa. May ginamit ang Panginoon upang tapusin at wakasan na ang lahat “ Si Yahweh ay humahatol, ang gawad ay katarungan; Natatamo ng inapi ang kanilang karapatan “. ( Awit 103:6 ) .

Sa ating pamilya, hindi ba kapag nagkakamali ang mga anak ay sinasaway o pinapalo natin sila upang matuto at magtanda nang sa gayon hindi na nila muling ulitin pa ang likong nagawa. Ayaw natin na ibang tao ang dumisiplina sa kanila dahil magulang lamang ang may karapatang gumawa nito. Sa makatuwid ang kinauukulan lamang ang may kapangyarihang humatol. Mayroon akong kaibigan na nagtatrabaho sa isang malaking kumpanya siya ay “ Maintenance Crew.“ Ang lahat na dapat kumpunihin at kutingtingin sa loob ng kumpanya ay nagagawa niya. Magaling talaga siya! Subalit nang kinainggitan tinanggal siya sa trabaho dahil malakas ang nanira sa kanya. Bagamat malapit na siyang maging permanente sa aming pinapasukan hindi niya pinanghinayangan iyon. Lumipat siya ng ibang kumpanya, dahil nga sa magaling mabilis siyang umasenso sa lumipas na mga panahon at kaagad siyang naging “ Supervisor.” Muli silang nagkita ng dating kasamahan nalaman niya na naghahanap ng trabaho ang dating kasama. Hindi siya nag atubiling tulungan, napahiya ito sa sarili at humingi ng paumanhin. Ang buhay ay parang alon sa dagat hindi mo malalaman kung tatangayin ka sa gitna ng karagatan o mananatili na lamang sa dalampasigan. Sa paghawi natin sa mga masusukal na talahib sa ating nilalakaran, tingnan at suriin kung mayroon ba tayong naaargabyadong tao. Dahil ang Panginoon ay hindi nagpapabaya sa mga nilalapastangan “ Ipinakita Niya ang lakas ng kanyang bisig, pinangalat Niya ang mga palalo ang isipan. Ibinagsak Niya ang mga hari mula sa kanilang trono “. ( Lucas 1:51-52 ) Ganyan kung magpataw ng parusa ang Makapangyarihang Diyos, may piring sa mga mata kung siya ay humatol.
Joel Tavarro
Joel Tavarro
Kagalang-galang na Mamamayan
Kagalang-galang na Mamamayan

Number of posts : 151
Age : 48
Location : Seongseok dong Ilsan dong-gu, Goyang si Gyeonggi-do, South Korea
Cellphone no. : 00000000007
Reputation : 0
Points : 134
Registration date : 13/08/2008

Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum